Jump to content

Taunang Plano ng Pundasyong Wikimedia/2025-2026/OKRs ng Produkto at Teknolohiya

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Wikimedia Foundation Annual Plan/2025-2026/Product & Technology OKRs and the translation is 97% complete.
Outdated translations are marked like this.
Portrait of Selena

Ang Taunang Plano ay ang paglalarawan ng Pundasyong Wikimedia tungkol sa mga nais namin makamit sa susunod na taon. Nagtratrabaho kami ng husto upang gawin ang planong sama-samahan, mamithiiin, at nakakamit. Kada taon, humihingi kami sa mga taga-ambag ng kanilang mga tanaw, inaasahan at tukoy na hiling habang binubuo namin ang plano. Ilan sa mga paraan na naghahanap kami ng input ay mula sa mga usapan ng pangkat ng proyekto sa mga pamayanan, sa Pamayanang Hilingan, sa mga pamayanang usapan tulad ng serye ng usapang Commons, sa mga komperensya at sa mga pahinang wiki tulad ng ito.

Para sa aming susunod na plano, mula Hulyo 2025 hanggang Hunyo 2026, pinagiisipan namin kung paano namin pinakamabuting malingkuran ang isang Strategy/multigenerational, sa harap ng mga mabilisang pagbabago sa mundo at sa internet at kung paano nito nakakaapekto sa aming misyon ng libreng kaalaman.

Tulad ng sinabi ko noong huling taon, kinakailangan nating tutukan ang tanging-tangi sa atin: ang ating kakayahan na magbigay ng mapagkatiwalaan na nilalaman kahit na lumalaganap ang huwad at maling impormasyon sa internet as sa mga platapormang nakikipaglaban para sa pansin ng mga bagong henerasyon. Kasama na dito ang pagsisigurado na makamit namin ang misyon na mabuo at ibahagi ang kabuuan ng lahat ng kaalaman sa mundo sa pamamagitan ng paglawak ng ating saklaw ng nawawalang impormasyon, na maaaring dulot ng kawalan ng pagkapantay-pantay, diskriminasyon at pagkiling. Ang nilalaman natin ay kinakailangan din na maglingkod at manatiling mahalaga sa isang nagbabagong internet na itinutulak ng artipisyal na katalinuhan at mayamang karanasan. At sa huli, kinakailangan natin maghanap ng mga paraan na mapanatiling pondohan ang ating kilusan sa pamamagitan ng pagtayo ng isang samahang stratehiya para sa ating mga produkto at pangangalap ng pondo upang maitaguyod natin ang trabahong ito sa mahabang panahon.

Upang gumawa ng mga pagpipili at pagtitimbang kung saan namin tututukan ang mga pagsisikap namin sa susunod na taon, bumuo kami ng mga katanungan at nagisip ng kung paano namin ilalaan ang aming may hangganang mapagkukunan tungo sa pagkamit ng pinakamalaking epekto.

Kung ikaw ay partikular na interesado sa mga katangian o serbisyo na ibubuo ng sanga ng Produkto at Teknolohiya mula sa mga kaunahan na naitakda dito, magkakaroon ng isang panahon sa Marso na magkomento sa mga takdang layunin at susing resulta. (Ito ang mga layunin at susing result para sa kasalukuyang taunang plano, bilang sanggunian.)

Kung nais mo pagisipan ang mga hamon at pagkakataon sa ating teknikal na kapaligiran at ang direksyon na dapat itakda namin para sa susunod na taunang plano, mangyaring isaaalang-alang ang mga tanong sa ibaba kasama kami.

Patulo naming kinukuha ang impormasyon tungkol sa mga katanungan na ito sa maraming paraan -- mula pamayanang usapan, datos na nakakalap namin, mga pananaliksin na payanam na ginagawa namin, at iba pa. Hindi ito ang unang pagkakataon na kami ay nagtatanong at nagaaral tungkol sa karamihan nito–at kami ay nagsimula na ng trabaho sa paligid ng karamihan dito! Nais namin na magtanong ulit ngayon at tuloy na matuto, dahil sila ay ang nasa tuktok ng isipan namin sa kasalukuyang yugto ng aming pagplano.

Mga katanungan:

  • Metros at datos
    • Ano ang mga paraan na maaring sa maiging matulungan ng datos at metros ang iyong trabaho bilang patnugot? Mayroon ka bang naiisip na datos tungkol sa pamamatungot, pagbabasa, o pagaayos na makakatulong sa iyo sa paano mo ginagamit ang iyong oras, o kung kailan kinakailangan ang pansin mo? Maaari itong maging datos tungkol sa sarili mong gawain o ang gawain ng iba.
  • Pamamatnugot
    • Kailan nagiging magantimpalaan at nakasasaya ang pamamatnugot para sa iyo? Kailan ito nagiging nakakainis at mahirap?
    • Nais namin na makakuha ang mga nag-aambag ng mas maraming pansin at pagkakilala para sa gawain nila, upang hindi parang walang nakakapansin ng pagsisikap na nagagamit nila sa mga wiki. Anong uri ng pansin at pagkakilala ang nakakaganyak para sa iyo? Ano ang nagtutulak sa iyo na manatiling namamatnugot?
    • Dahil ang mga wiki ay napakalaki, maaaring mahirap para sa mga patnugot na magpasya sa kung anong gawaing wiki ang pinakamahalaga para sa kanila na gamitan ng kanilang oras kada araw. Anong impormasyon o kagamitan ang makakatulong sa iyo na piliin kung paano mo ginagamit ang iyong oras? Makakatulong ba na magkaroon ng isang pinakabuod at isinapersonal na lugar na nagbibigay-daan sa iyo na makahanap ng mga panibagong pagkakataon, pangasiwaan ang iyong mga gawain, at intindihin ang iyong epekto?
    • Nais namin pagbutihin ang karanasan ng pakikipagtutulungan sa mga wiki, upang maging mas dali para sa mga taga-ambag na hanapin ang isa't-isa at sama-samang magtrabaho sa mga proyekto, maging ito ay sa isang backlog drive, edit-a-thon, WikiProject, o kahit dalawang patnugot na sama-samang nagtratrabaho. Ano ang naiisip mo na paraan na maaaring matulungan natin ang mga taga-ambag na hanapin ang isa't-isa, mag-ugnay, at sama-samang magtrabaho?
  • Pagbabasa/Pag-aaral
    • Mas mabilis o mabagal na mag-load ang mga wiki depende sa kung saan nakatira ang mga tao sa mundo. Mayroon bang mga bahagi ng mundo na sa tingin mo pinakakinakailangang pagbutihin ang pagganap?
    • Paano namin matutulungan ang mga bagong henerasyon ng mga tagabasa na hanaping kawili-wili at kaakit-akit ang nilalaman ng Wikipedia? Pinagusapan namin ang mga wari-wari tungkol sa interaktibo na nilalaman at video dati, at sa kasalukuyang taon kami ay nakatutok sa mga talangguhit at sa pagsubok ng mga panibagong paraan na ipaibabaw ang mga umiiral na nilalamang Wikipedia. Paano namin maaring ituloy ang daanang ito na gamiting ang aming kasalukuyang nilalaman sa mga panibagong paraan na natatangi para sa Wikimedia?
  • Tagapamagitan
    • Ano ang kailangang magbago sa Wikipedia upang mas maraming tao ang gumustong makilahok sa mga mataas na boluntaryong tungkulin, tulad ng mga tagapatrolya at tagapangasiwa?
    • Anong impormasyon o konteksto tungkol sa mga edit ang kailangan mo upang mas mabilis o madali na gumawa ng mga kapasiyahan sa pagpapatrolya o pagpapangasiwa?
  • Datos sa Labas
    • Ano ang mga pinakamahalagang pagbabago na napapansin mo sa mundo sa labas ng Wikimedia? Maaari ito maging mga uso sa teknolohiya, edukasyon, o kung paano natututo ang mga tao.
    • Bukod sa kilusang Wikimedia, ano pa ang mga online na pamayanan na sinasalihan mo? Ano ang mga aral na makukuha namin sa mga kagamitan at proseso ng ibang mga pamayanang plataporma?
    • Paano mo ginagamit ang mga AI na kagamitan sa loob at labas ng iyong trabahong Wikimedia? Ano ang mga nahahanap mong kapaki-pakinabang ng AI?
  • Commons
    • Anong mga pagpasya ang maaari naming gawin sa pamayanan ng Commons upang gumawa ng isang napapanatiling proyekto na tumutulong gumawa ng kaalamang ensiklopediko?
  • Wikidata
    • Paano mo nais makitang magbago ang Wikidata mula ngayon? Paano ito magiging pinakapaki-pakinabang sa pagbuo ng mapagkatiwalaang kaalamang ensiklopediko?
Usapan

–– Selena Deckelmann