Tipang Kasulatan ng Kilusan/Panimula
This was a historical draft of the Wikimedia Movement Charter. The latest version of the Charter that is up for a global ratification vote from June 25 to July 9, 2024 is available in the main Meta page. We thank the stakeholders of the Wikimedia movement for their feedback and insights in producing this draft. |
Ang Wikimedia Movement ay isang pangsanlibutan, makalipunan at makabihasnan na kilusan, na ang layunin ay upang magdala ng malayang kaalaman sa kalahatang mundo. Ang Wikimedia Movement Charter (“ang Tipang Kasulatan ng Kilusan”) ay nagsasaad ng mga pagpapahalaga, karapatan, kaugnayan at mga pinagsasaluhang pananagutan ng lahat ng kalahok sa binabahaging pinapakay ng kilusang ito. Ang Tipang Kasulatan na ito ay ipinagpapatay sa lahat ng mga sarili at mga nakalahok na kapisanan, mga pinagkakatauhan ng kilusan, projects, at mga opisyal na online at offline na espasyong nauugnay sa Kilusang Wikimedia.
Sa pamamagitan ng pagpapahulugan sa Kilusang Wikimedia at sa mga pinagpapahalagaan nito, nilalayon ng Charter na higit na gawing madali para sa mga stakeholder ng kilusan na sila'y magtuwang sa isa't isa.
- magkaloob ng damdaming pagkakasali
- gumawa ng isang pinagsasaluhang diskarte para sa pagpapalago, pagpapalawak, at mga pagkakataon sa hinaharap na maalagaan ang tuloy-tuloy na paglilikha at pagkakaroon ng malayang kaalaman,
- pangalagaan ang karapatang pagbigay, at mga kahalagaang pinansyal ng kilusan,
- gumabay sa pagpapasya, at
- bawasan ang hidwaan sa pagitan ng mga stakeholder ng kilusan.
Maaaring baguhin ang Charter kung kinakailangan, ayon sa bahagi ng Amendment.
Mga Pinagpapahalagaan
Ang Kilusang Wikimedia ay sumasaklaw sa isang makatotohanan, mapatutunayan, bukas, at inklusibong pamamaraan sa kaalaman. Ito ay ginagabayan ng mga nakabahaging mga hinahalaga na gumagabay sa lahat ng ating mga kinikilos. Lahat na pagsasagawa ng kapasyahan ay kailangang maipakita ang nakabahaging mga pinagkaka-halagaang ito. Bilang isang kasanayan, mahalagang ipagtimbang ng kilusan ang mga kahalagaan upang magmula pa ay matupad ang pinagtatagubay at bigyang kapangyarihan ang mga kalahok ng Wikimedia sa buong mundo.
Kasama sa mga hinahalaga ay ang mga naroon na sa ating pinagmulan at lumalawak sa pangangailangang umunlad ang ating hinaharap. Kinikilala ng mga hinahalagang ito ang pagbabahagi ng kaalaman bilang malalimang pagsikap sa pagtutulungan.
Malayang kaalaman
Gumagamit ang Wikimedia Movement ng open licensing upang maibahagi ang lahat ng nilalaman nitong ginagawa, lahat ng software nito, at daan sa lahat ng platform. Kasali ang Ilang panlabas na nilalaman sa ilalim ng mga ibat-ibang lisensya. Nakapagbitiwan ito na palalimin ang kanyang layunin, sa pamamagitan ng pagpapalawak ng malayang kaalaman at sa pagsasama ng mga bago at umuusbong na paraan ng pagsamsam at pagbabahagi ng kaalaman, pati na din ang lumalaking pagkakaiba-iba ng nilalaman.
Pagsasarili
Ang Wikimedia Movement ay nagsisikap na mapatakbo nang nakapag-iisa, ginagabayan ng kanyang layunin na malayang kaalaman, at hindi nahahadlangan ng pagkiling o pinapanigan. Ang kilusan ay tumatangging ilagay ang kanyang layunin sa alanganin bilang tugon sa kalakal, politika, mga ibang hikayat ng pananalapi, o pagpatalastas.
Subsidiarity at pagsasarili ng samahan
Ipinagkakatiwala ng Kilusang Wikimedia ang mga kapasyahan sa pinakamalapit o maari na pinakamababang antas ng pakikilahok, simula sa kinabibilangan ng mga nagkukusang-loob. Ang mga online at offline na pamayanan sa buong mundo ay pangkalahatang dapat gumawa ng mga kapasyahan para sa kanilang sarili, sa pamamagitan ng prinsipyo ng subsidiarity. Ang pagtaguyod sa sariling pamamahala at ang kakayahang maging "autonomous" ay mga masidhing aspeto ng kahalagaan sa pandaigdigang kilusan.
Pagkamakatao
Kinikilala ng Kilusang Wikimedia ang magkakaibang mga hamon sa pagkakapantay-pantay ng kaalaman na kinakaharap ng maraming pamayanan ng malayang kaalaman at nagsusumikap na bigyan sila ng kapangyarihan upang madaig ang nasa kasaysayan, nasa lipunan, nasa politika, at iba pang mga kaanyuan ng hindi pagkakapantay-pantay at maling pagpapakilala. Ang kilusan ay nagsasagawa ng mga masugid na hakbang upang itaguyod at makamit ang pantay na kaalaman, at nagtatatag ito ng mga probisyon upang maglaan ng mga mapagkukunan sa pamamagitan ng desentralisadong pamamahala at pagbibigay-kapangyarihan sa pamayanan.
Pakikipagsama
Ang mga project ng Wikimedia ay binuo sa maraming wika, na sumasalamin sa maraming rehiyon at kultura. Ang paggalang ng isat-isa sa pagkakaiba-iba ng mga kalahok ng kilusan ay ang humuhugis sa batayan ng lahat ng mga sagawain, at ipinapatupad sa pamamagitan ng mga hakbang na mangangalaga ng kaligtasan at pagsasama. Nakatuon ang Wikimedia Movement na magbigay ng magkakaibang kalawakan, kung saan ang lahat ng mga nakikibahagi sa layunin at hinahalaga ay maaaring lumahok at magkakasamang lumikha sa loob ng isang makataong pananaw. Sa pamamagitan ng assistive technology na ito, ang inclusive space ay nagtataguyod ng daan para sa magkakaiba at tinatanging pangangailangan.
Kaligtasan
Ang Wikimedia Movement ay isinasauna ang kapakanan, kaligtasan, at katiwasayan ng mga kalahok nito. Tinitiyak nito ang isang ligtas na kapaligiran na nagtataguyod ng pagkakaiba-iba, pagsasama, pagkakapantay-pantay, at pakikipag-bakasan, na kinakailangan para sa pakikilahok sa malayang kaalaman sa online information ecosystem. Ito ay isang ipinapauna upang matiyak ang kaligtasan sa kapwa online at offline na mga kalawakan. Ang priyoridad na ito ay isinusulong sa pamamagitan ng pagsasagawa at pagpapatupad ng mga komprehensibong patakaran ng pag-uugali, at ang puhunan ng mga kinakailangang mapagkukunan upang suportahan ang mga aktibidad na ito.
Pananagutan
Pinapanagot ng Kilusang Wikimedia ang sarili sa pamamagitan ng pamumuno ng pamayanan na kinakatawan sa loob ng mga project ng Wikimedia at Mga Katawan ng Kilusan. Ito ay ipinapatupad sa pamamagitan ng malinaw na paggawa ng kapasyahan, pakikipagusap, kalahatang pagbigay-alam, pag-uulat ng mga gawain, at pagtataguyod ng Pananagutan sa Pangangalaga.
Katatagan
Ang Wikimedia Movement ay umuunlad sa pamamagitan ng inobasyon at eksperimento, at patuloy nitong binabago ang pananaw sa kung ano ang maaaring maging isang malayang platform ng kaalaman. Ang kilusan ay tumutugis sa mga epektibong estratehiya at kasanayan, at gumagamit ng makabuluhang ebidensyang nakabatay sa sukatan upang suportahan at himukin ang mga ito kung saan kakayanin.