Mga Pahina ng Wikipediang Nangangailan ng Larawan
Ang Mga Pahina ng Wikipediang Nangangailan ng Larawan (WPWP) ay taunang kampanya kung saan ang mga Wikipedista sa mga proyektong pangwika at pamayanan ng Wikipedia ay nagdaragdag ng mga larawan sa mga artikulo sa Wikipedia na nagkukulang sa larawan. Ito ay para itagayuod ang paggamit ng mga talaksan ng midyang digital na kinolekta mula sa mga iba't ibang paligsahan ng WP sa potograpiya, mga photowalk na inorganisa ng pamayanan ng Wikipedia, sa mga pahina ng artikulo sa Wikipedia. Mas nakatutulong ang mga larawan sa pagkuha ng pansin ng mambabasa kaysa sa napakaraming teksto, ilarawan ang nilalaman, at gawing mas nakapagtuturo at nakakaengganyo ang artikulo para sa mga mambabasa.
Libu-libo ang mga larawang iniabuloy at iniambag sa Wikimedia Commons sa pamamagitan ng mga iba't ibang programang pang-adbokasiya, photowalk, at paligsahan kasali na ang mga pandaigdigang paligsahan sa potograpiya tulad ng Wiki Loves Monuments, Wiki Loves Africa, Wiki Loves Earth, Wiki Loves Folklore, atbp. Gayunman, kakaunti lamang sa mga larawang ito ang nagamit na sa mga artikulo sa Wikipedia. Sa ngayon, milyun-milyon ang mga larawan ng Wikimedia Commons ngunit maliit na bahagi lamang nito ang nagamit sa mga pahina ng artikulo sa Wikipedia. Ito ay napakalaking agwat na nilalayong ipaliit ng proyektong ito.
Paano lumahok
Bago lumahok, mahalagang basahin ang lahat ng mga panuntunan sa ibaba sa kabuuan. Ang hindi pagsunod dito ay maaaring magbubunga ng diskuwalipikasyon.
- Mag-login o Lumikha ng Bagong Akawnt sa Wikipedia (Maaari kang lumikha ng akawnt sa anumang wika na mayroon sa Wikipedia kabilang ang iyong sariling wika). Makikita ang talaan ng Wikipedia sa lahat ng mga wika rito.
- Maghanap ng artikulo na nangangailangan ng larawan. Marami ang mga paraan para gawin ito. Narito ang ilang mga tip.
- Pumili ng angkop na larawan sa Commons. Mag-click dito para hanapin ang larawan sa paggamit ng wastong pamagat o kategorya. Marami ang mga paraan para gawin ito. Tingnan itong simpleng gabay sa muling paggamit ng midya. Narito ang mga karagdagang tip.
- Sa pahina ng artikulo, maghanap ng seksyon kung saan may kinalaman ang larawan at nakatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa ng paska. I-click ang Edit at ilagay ang larawan mula sa ika-3 Hakbang, at ng maikling paliwanag ng nilalaman ng larawan sa wika ng Wikipedia. Kung nagmamatnugot ng source code, tingnan ang posisyon ng larawan sa "Paunang tingin" at gumawa ng anumang kinakailangang pagbabago. Isama ang hashtag #WPWP sa buod ng pagbabago ng lahat ng mga artikulong pinabuti ng mga larawan. Pagkatapos, i-click ang "Ilathala ang pagbabago".
- Maaari rin kayong lumahok sa paggawa ng mga bagong artikulo para sa mga de-kalidad na larawan.
- Pakisuyong ingatan sa isipan ang sintaks ng larawan! Kung magdaragdag ka ng mga larawan sa mga infobox sa mga artikulo, mas madali ang sintaks — ang pangalan ng talaksan lang mismo, kaya sa halip ng
[[File:Obamas at church on Inauguration Day 2013.jpg|thumb|The Obamas worship at [[African Methodist Episcopal Church]] in Washington, D.C., January 2013]]
,Obamas at church on Inauguration Day 2013.jpg
lang.
Dito, ang kapsyon ay The Obamas worship at African Methodist Episcopal Church.
Kung magdaragdag ka ng mga larawan sa mga infobox sa mga artikulo, idagdag mo ang mga iyon sa tamang puwesto tulad ng ipinapakita sa ibaba.
| image = Obamas at church on Inauguration Day 2013.jpg
| caption = The Obamas worship at African Methodist Episcopal Church
Mga alituntunin sa kampanya
Dapat gamitin ang mga larawan mula ika-1 ng Hulyo hanggang ika-31 ng Agosto 2020. |
Walang limitasyon sa bilang ng mga talaksan na maaaring gamitin. Gayunman, may mga iba't ibang kategorya ng mga premyo (tingnan sa ibaba). Gayunpaman, huwag sirain ang mga artikulo sa Wikipedia na may larawan na. Magdagdag lamang ng larawan sa artikulo na wala pang larawan |
Dapat inilathala ang larawan sa ilalim ng lisensya ng malayang paggamit o sa pampublikong dominyo. Kinabibilangan ang mga posibleng lisensya ang CC-BY-SA 4.0, CC-BY 4.0, CC0 1.0. |
Kailangang rehistradong tagagamit sa anumang proyektong Wikimedia ang mga kalahok. Mag-login o Lumikha ng Bagong Akawnt sa Wikipedia (Maaaring lumikha ng akawnt sa anumang wika na mayroon sa Wikipedia, para gamitin sa iyong sariling WP at sa lahat ng mga proyektong Wikimedia). Makikita ang talaan ng lahat ng mga wika sa Wikipedia rito. |
Karaniwang hindi tinatanggap ang mga larawan na may mahinang o napakababang kalidad.
|
Kailangang isama ng mga kahalok ang hashtag #WPWP sa Buod ng pagbabago sa lahat ng mga artikulong pinabuti ng mga larawan. Halimbawa: "+image #WPWP". Huwag ilagay ang hashtag (#WPWP) sa artikulo mismo. |
Paano mo gustong sumali sa #WPWP?
Idinisenyo ang seksyong ito upang bumagay sa inyong antas ng paglahok sa WPWP. I-click ang mga buton sa ilalim upang malaman ang mga paraan ng pakikilahok.
Kronolohiya ng kampanya
Taun-taon ang Kampanyang WPWP.
- Simula para sa mga entrada: Ika-1 ng Hulyo, 2020 00:01 (UTC)
- Takdang wakas para sa mga entrada: Ika-31 ng Agosto, 2020 23:59 (UTC)
- Pahayag ng mga resulta: Ika-30 ng Setyembre, 2020
Mga kategorya sa pandaigdigang premyo
Mga premyo para sa (mga) tagagamit na may pinakamaraming bilang ng natatanging artikulo sa Wikipedia na pinabuti ng larawan
- Ika-1 premyo US$500 gift voucher
- Ika-2 premyo US$400 gift voucher
- Ika-3 premyo US$300 gift voucher
Mga premyo para sa (mga) tagagamit na may pinakamaraming bilang ng natatanging artikulo sa Wikipedia na pinabuti ng audyo
- US$200 gift voucher
Mga premyo para sa (mga) tagagamit na may pinakamaraming bilang ng natatanging artikulo sa Wikipedia na pinabuti ng bidyo
- US$200 gift voucher
Mga premyo para sa (mga) bagong tagagamit na may pinakamaraming bilang ng natatanging artikulo sa Wikipedia na pinabuti ng larawan
- US$200 gift voucher
Mga premyo para sa tagagamit na may pinakamaraming paggamit ng mga larawan mula sa Wiki Loves Africa sa mga Wikipediang Igbo, Swahili, Yoruba, Luganda, Hausa, Shona, Amharic, Lingala at Afrikaans. Karagdagang impormasyon.
- USWiki Loves Africa 2020/Illustrate Wikipedia articles#Participation to WPWP Campaign00 gift voucher (Paalala: Para maging kuwalipikado para sa premyo ng WLA, dapat hindi bababa sa 1 taon ang nakalipas mula noong narehistro ang iyong account at nakagawa ka na ng di-kukulangin sa 330 pagbabago sa mainspace sa Wikipedia sa anumang wika bago ang ika-1 ng Hulyo 2020.)
Wiki Loves Folklores Prizes
May mga papremyo ang Wiki Loves Folklore sa mga tagagamit na may pinakamaraming paggamit ng mga larawan ng Wiki Loves Folklore sa mga Wikipedia sa anumang wika. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kategoryang papremyo ng Wiki Loves Folklore, pumunta rito at i-click ito para bisitahin ang pahina ng Wikipediang Ingles.