Jump to content

Pandaigdigang Konseho (Global Council)

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Global Council and the translation is 97% complete.
For a sub-chapter regarding the Global Council in final Movement Charter text that is up for ratification by the Wikimedia Movement globally in June-July 2024, see Movement Charter#Global Council.

Ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay isang pinapanlaan (planned) na kapulungan, na nilalayon upang magsilbi bilang "isang pandaigdigang istruktura na tumutugon sa mga kinakailangan ng ating kabuoang Kilusan, at kumakatawan sa mga Pamayanan sa isang pantay-pantay na paraan"; at magiging "kinatawan ng Kilusan sa katungkulan at sakop nito". Ipinanukala ito bilang bahagi ng mga mungkahing 2018-20 Strategy na pinamagatang "Ensure Equity in Decision-making", na kasama ng iba pang mga mungkahi, ay sinangayunan ng Wikimedia Foundation Board of Trustees.

Ang mungkahi ay nagsasaad na "Anumang kapashayan na makakasanhi sa ating mga pamayanan ay kinakailangang isama ang mga naturang pamayanang iyon upang maiwasan ang hindi sukat na kalabasan"; at inilalarawan ang Konseho na umaalay bilang "kinatawan ng mga pamayanan", at "nagtitiyak [sa] magkabahaging katungkulan at pananagutan". Ang Konseho ay bubuuin ng kapwa mga inihalal at mga hinirang na mga kasapi, "sa isang paraang hinugis upang maipamalas ang lawak at pagkakaiba-iba ng pagkakalahok, hindi lamang ng Kilusan sa ngayon kundi din ang mga pamayanang nais nating paglingkuran".

Ang mga tiyak na pananagutan ng Konseho ay ibabalangkas ng isang Movement Charter. Ang pagbuo ng Charter ay pangangasiwaan ng Movement Charter Drafting Committee (isang tungkulin na dating itinalaga sa Interim Global Council).

Mga Ginagampanan at Pananagutan

Mula sa mga strategy recommendations:

Ang kapulungang ito ay magkakaroon ng mga kapangyarihan at pananagutan na nakabalangkas sa Charter, at taglay sa mga ito, ngunit hindi kukulangin ay:

  • Pagmatyag sa pagpapatupad ng Movement Strategy, na may kahati ng pamayanan kung saan kinakailangan, at ang pagkakatugma nito sa mga naitatatg nang istraktura ng Kilusan;
  • Pagmamatyag sa karagdagang pagbubuo at paghimok ng Movement Charter;
  • Pagpapatupad sa pananagutan ng lahat ng mga mga samahan ng Kilusan sa paligid:
    • Paggamit ng salaping yaman ng Kilusan;
    • Paghanay sa katuparan, pananaw, at patutunguhang Strategic Direction ng Wikimedia;
    • Pagtalima sa Movement Charter;
    • Ang karapat-dapat na paggamit ng mga sagisag ng Kilusan;
  • Ang pagtatakda sa paglalaan ng yamang mapagkukuhanan; at at ang pagpapaunlad ng mga mapagkakakitaan para sa Kilusan.
  • Anumang katungkulang kinikilala ng Interim Global Council na kailangang ipasagawa ng Board.

Dapat pangasiwaan ng Global Council ang pagpapatupad ng patnubay na ibinigay ng Kilusan, gaya ng inilarawan sa Movement Charter, kabilang ang mga mungkahi sa paglalaan ng pondo sa mga regional at thematic hub at iba pang sapian ng Kilusan habang kinikilala ang mga legal at fiduciary na pinapasan ng mga kasanib na kapisanan.

Mga inaalinsunod at pananagutan ng Board

Ang Global Council ay ang mananagot sa pagpapasunod ng mga Board sa mga mabubuting kasanayan, at gagawa ng mga kaparaanan upang makasuri at makaalay ng tulong sa mga Board na hindi nakakasunod sa mga mabubuting kasanayan. Ang mga alituntunin ayon sa mahusay na kasanayan ay itatatag; halimbawa, kung paano gumagalaw ang mga board (tulad ng mga hangganan ng termino; mga paraang sinusunod sa halalan at pagpili; at iba pang mga diskarte sa mga katanungan ng pamamahala, kung saan angkop at nauugnay sa isang pamayanan.)

Kasaysayan

May ilang nang mga panukalang nagawa dati tungkol sa mga pandaigdigang lapian — bilang kinatawan ng pamayan; kabilang ang Wikicouncil (na tinawag din na "Wikimedia Global Council") na napag-panukala noong 2005, at ang Wikimedia Federation na pinalukala noong 2008.

Ang panukala sa Global Council ay pinasimulan ng Roles and Responsibilities Working Group sa panahon ng 2018-20 Strategy Process. Ang panukala ay dinaanan ng tatlong pag-uulit (1, 2, 3), bago ito dumating sa huling kinalalagyan nito noong Mayo 2020. Ang panukala, kasama ng iba pang mga diskarte, ay sinangayunan ng Wikimedia Foundation Board of Trustees.

Ang paglilipas at ang Interim Global Council

May panimulang iminungkahi na, sa panahon ng Strategy Transition process, isang Interim Global Council ang itatatag. Ang Interim Global Council ay ipinapalagay na mangangasiwa sa paglikha ng Tipang Kasulatan ng Kilusan (Movement Charter) isang pananagutan na kalaunan ay inilipat sa Movement Charter Drafting Committee.

Mga mapagtiyak na panukala