Wikimedia Foundation ''Board of Trustees''
Wikimedia Foundation staff and contractors participate with the volunteer community in maintaining this page's content. |
Ang Wikimedia Foundation Board of Trustees ("Board" o "BoT") ay nangangasiwa sa Wikimedia Foundation at sa gawain nito, bilang ultimate corporate authority.
Pagkakatayo
Ang Board ay nabuo noong 2003 na may tatlong Trustees, at mula noong 2020 ay binubuo ng hanggang 16 Trustees. Ito ay nagtatalaga ng mga opisyal mula sa mga Trustees: isang Chair, hanggang dalawang Vice-Chair, at committee chair. Ang Lupon ay naghirang ng mga non-Trustee officers: isang Chief Executive Officer, isang Ingat-yaman/treasurer, at Kalihim/secretary. Ang gawain ng Lupon ay bahagyang nagsasangkot ng mga resolusyon at mga boto. Ang iba pang gawain ay itinalaga sa ilang komite na sumasaklaw sa mga bagay tulad ng Pamahalaan, Audit, Talento at Kultura, ang Komite ng Produkto at Teknolohiya at ang Community Affairs Committee.
Ang kasalukuyang komposisyon ng mga kasapi ng Board ay:
- 1 (isa) na founder's seat na nakalaan para kay Jimmy Wales;
- 7 (pito) na luklukan na hinirang ng iba pang Lupon para sa partikular na kadalubhasaan na pinili sa isang pamamaraang ginagabayan ng Board Governance Committee; at
- 8 (walo) na upuan na inihalal ng mga pamayanan at kaanib ng Wikimedia.
Mga Komite
- Wikimedia Foundation Audit Committee (Charter)
- Wikimedia Foundation Board Governance Committee (Charter)
- Wikimedia Foundation Talent & Culture Committee (Charter)
- Wikimedia Foundation Product and Technology Committee (Charter)
- Wikimedia Foundation Community Affairs Committee (Charter)
- Affiliations Committee (Charter)
- Mga kasalukuyang liaison: Lorenzo Losa, Mike Peel, Nataliia Tymkiv
- Komite sa Halalan (Elections Committee)
- Mga kasalukuyang kasamahan: Nataliia Tymkiv
- Language committee (Charter)
- Mga kasalukuyang nakikipagtulungan: Nataliia Tymkiv, Victoria Doronina
- Mga patakaran sa karapatang pantao ng Wikimedia
- Mga kasalukuyang nakikipag-ugnayan: Esra'a Al Shafei (sa internal committee ng Wikimedia Foundation)
Pakikipag-ugnayan sa Board
Mayroong board noticeboard para sa pagbabahagi ng mga kahilingan at rekomendasyon. Maaaring direktang makipag-ugnayan sa Lupon sa pamamagitan ng pag-post sa noticeboard. Ang Wikimedia Foundation mismo ay maaaring makipag-ugnayan sa maraming paraan tulad ng nakabalangkas sa kanilang contact page.
Kasalukuyang mga kasapi
- Mga tala:
- ↑ T&A ng Board of Trustees/Restructure Announcement, Abril 2008
Mga dating kasapi
Karagdagang pagbabasa
- Listahan ng mga pulong ng Lupon (na may mga minuto)
- Listahan ng mga resolusyon ng Board
- Proseso ng mga deliberasyon ng board
- Komposisyon ng Board of Trustees
- Mga pagtatanghal ng mga kasapi ng Board of Trustees ng Wikimedia Foundation
- Mga sanaysay at talakayan tungkol sa ulirang pakikipagsapi: