Jump to content

ESEAP Preparatory Council/Iminungkahing plano sa pag-aaral at pagsusuri

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page ESEAP Preparatory Council/Proposed learning and evaluation plan and the translation is 100% complete.

ESEAP Hub: Plano sa Pag-aaral at Pagsusuri

Ang Preparatory Council ng ESEAP ay ipinakikita ang panukalang dokumento na Teorya ng Pagbabago (Theory of Change) — na gagabay sa ESEAP Hub sa ikinikilos natin at sa pagdudulog ng grant. Nais naming makatanggap ng mga puna mula sa pamayanan ukol dito sa Teorya ng Pagbabago — upang aming matapos ang mga kasulatan. Naiintindihan namin na may kanya-kanyang kahilingan ang lahat at aming isasa-alang-alang ang mga puna hangga't maari — kapag natapos namin ng dokumento.

Panahon ng talakayan: 18 Setyembre 2024 – 31 Oktubre 2024

Mga kaugnay na dokumento:

Kararatnan at Layunin

Pangkalahatang kararatnan: Bigyan ng kapangyarihan at paganahin ang mga pamayanan sa buong rehiyon ng ESEAP na malayang magbahagi at makaabot ng kaalaman sa pamamagitan ng pagtugon sa mga hadlang sa komunikasyon, pagbuo ng kapasidad, pagpapahusay sa paggawa ng desisyon at pagtataguyod sa pangangatawan ng rehiyon.

Mga pangunahing kalagayan na pinagtutuunan ng pansin:

  1. Pakikipag-usap (pagsasalin)
  2. Mga pakikipag-usap (iba pa)
  3. Pagbuo ng Kapasidad ng Pamayanan
  4. Pagpapasya ng pamayanan
  5. Pagsulong tungo sa Representasyon ng ESEAP

Mga Tanong at Sukatan sa Pag-aaral

  1. Pakikipag-usap (Pagsasalin)
    Tanong sa Pag-aaral: Gaano kainam ang mga paglilingkod ng pagsasalin sa pagtaguyod sa pakikisama at pag-access sa kaalaman sa lawak ng mga ibang wika sa rehiyon ng ESEAP?
    Mga pangunahing pangsukat:
    • Bilang at porsyento ng mga nilalaman na isinalin sa mga pangunahing wika ng ESEAP (mga wika na pagiisipan pa)
    • Bilang ng mga sessions/meetings na nagbibigay ng interpretasyon
    • Mga tugon sa survey na nagsasaad ng kasiyahan sa mga pagbabago at epekto sa pakikilahok
    • Paglago sa pakikilahok mula sa mga pamayanan gamit ang mga isinaling materyales
  2. Mga pakikipag-usap (iba pa)
    Tanong sa Pag-aaral: Gaano kabisa ang mga estratehiya ng komunikasyon sa pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa pamayanan at pagbabahagi ng kaalaman?
    Mga pangunahing pangsukat:
    • Bilang ng mga pulong sa pamayanan, mga conference at mga help desk session na isinasagawa
    • Mga daloy ng pagdalo at geographic/affiliate representation sa mga kaganapang ito
    • Feedback sa kadalian ng access sa financial at programmatic support sa pamamagitan ng mga pagpupulong at mga training session
    • Pagdami sa pakikilahok at pakikipag-ugnayan ng pamayanan
  3. Pagbuo ng Kapasidad ng Pamayanan
    Tanong sa Pag-aaral: Paano kinalalabasan ng mga pagkakataon sa pagsasanay at pag-aaral ang kapasidad at paglago ng pamayanan?
    Mga pangunahing pangsukat:
    • Bilang ng mga oras ng tanggapan ng help desk at training sessions na ginanap
    • Bilang ng mga kalahok sa mga inisyatibo sa pagbuo ng kakayahan (grant writing, mentorship, leadership, atbp)
    • Pagdagdag ng kamalayan ng mga support mechanisms at mga pangunahing mapagkukunan
    • Ang pagka-mabisa ng outreach sa pakikibagay sa mga pamayanan na walang kaakibat
    • Paglikha at paglalapat ng isang "Newbies Handbook" at ang epekto nito sa pakikipag-ugnayan
  4. Pagpapasya ng pamayanan
    Tanong sa Pag-aaral: Hanggang saan ang mga proseso ng paggawa ng desisyon sa loob ng ESEAP Hub na transparent at inclusive?
    Mga pangunahing pangsukat:
    • Dalas at kalinawan ng mga kapasyahan sa komunikasyon at pamamahala
    • Ang kamalayan at kagalakan ng pamayanan sa mga decision-making processes
    • Pagdagdag ng mga ambag ng pamayanan at pakikipag-ugnayan sa mga decision making platforms
    • Feedback tungkol sa transparency at tiwala sa pamamahala
  5. Pagsusulong para sa representasyon ng ESEAP
    Tanong sa Pag-aaral: Gaano katagumpay ang ESEAP Hub sa pagpapataas ng pagkakaharap nito at kakayahan ng rehiyon — sa mga talakayan at global movement discussions?
    Mga pangunahing pangsukat:
    • Pagdagdag ng representasyon ng ESEAP sa mga pandaigdigang forums, bodies at mga conferences
    • Paglago sa mga pakikipagtulungan at network sa pagitan ng ESEAP at iba pang mga global affiliate
    • Ang Survey feedback sa pagiging mabunyag sa mata at ang kahalagaan ng mga usapin sa ESEAP at sa antas-pangdaigdig

Kaparaanan sa Pag-ipon ng Datos

Ang data para sa mga sukatan ay iipunin sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:

  • Survey: Pag-ipon ng quantitative at qualitative feedback mula sa mga kalahok, stakeholder at kasapi ng pamayanan
  • Mga Panayam: Magsagawa ng malalim na panayam sa mga pangunahing pinuno ng komunidad, tagasalin at kalahok sa iba't ibang mga inisyatiba
  • Mga talaan ng pagdalo sa kaganapan: subaybayan ang pakikilahok sa mga pagpupulong, conference, pandaigdigang katawan at mga training session
  • Pagsusuri ng dokumento: Suriin ang mga tinalakay/tala ng pulong, mga plano sa komunikasyon, at mga desisyon sa pamamahala para sa transparency at inclusivity.

Taning na Panahon

Taon 1:

  • Magtataguyod ng mga baseline para sa mga pangunahing pangsukat
  • Ipatupad ang mga paunang survey at feedback mechanisms
  • Muling suriin ang mga serbisyo ukol sa pagsasalin (sa 6 at 12 buwan) at ayusin ang mga diskarte batay sa feedback

Taon 2-3:

  • Ipagpatuloy ang pagsubaybay sa pag-unlad patungo sa mga nilalayon
  • Ayusin ang mga aktibidad at puna kung kinakailangan
  • Palawakin ang saklaw ng mga kaganapan (hal., mga lokal na pagkikita-kita, mga bagong kampanya) batay sa mga natuklasan sa Taon 1.

Mga ulat at unawain

Napakahalaga na magbuo ng mga paksang napasaisip upang suriin ang pag-unlad, at para sa pag-ulat sa ESEAP at ang pandaigdigang pamayanan:

  • Quarterly reports: Ibuod ang pag-unlad sa mga pangunahing sukatan, tukuyin ang mga hamon at isaayos ang mga diskarte
  • Taunang pagsusuri: Isang komprehensibong pagsusuri ng mga umunlad na tungo sa mga layunin, pagsusuri sa epekto at mga maipapayo para sa mga darating na kaganapan.
  • Mga puna ng pamayanan: Isama ang feedback sa mga nagpapatuloy na kaganapan at proseso ng paggawa ng desisyon