Jump to content

Kumperensya ng ESEAP 2022

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page ESEAP Conference 2022 and the translation is 75% complete.
Outdated translations are marked like this.

Ang Kumperensya ng ESEAP 2022 ay isang panrehiyong kumperensya para sa mga komunidad ng Wikimedia sa buong rehiyon ng ESEAP. Ang ESEAP ay kumakatawan sa Silangan, Timog Silangang Asya, at Pasipiko. Gaganapin sa lungsod ng Sydney, Australia sa darating na ika 18 hanggang ika 20 Nobyembre 2022, ito ang pangalawang panrehiyong kumperensya para sa mga komunidad nito ng Wikimedia.

Group photo on 19 November, 2022

Panimula

Ang Silangan at Timog Silangang Asya at Pasipiko ay isang umuunlad na rehiyon sa loob ng komunidad ng Wikimedia. Mayroong malaking bilang ng mga nag-aambag ng Wikimedia sa buong rehiyon, at pinalaki namin ang komunidad mula noong una naming pagpupulong noong 2018 at patuloy na nagsisikap tungo sa pagtatatag ng isang mahusay na pinamamahalaang tagpuan. Ang kumperensyang ito ay magsasama-sama ng mga kalahok mula sa iba't ibang komunidad ng ESEAP upang palakasin ang pagtutulungan at mas maunawaan ang mga isyung kinakaharap sa rehiyon at upang maghanap ng mga solusyon.

Ang ESEAP ay magho-host ng Wikimania 2023, ang unang pisikal na paghaharap na Wikimania pagkatapos ng Covid. Kasunod ng huling Wikimania noong 2020, pagsasama-samahin ng kumperensyang ito ang mga mamumuno ng Wikimania 2023 upang tumulong sa disenyo ng Wikimania matapos ng pandemya ng COVID-19.

Ang aming huling pagpupulong sa rehiyon ng ESEAP ay pinangunahan ng Wikimedia Indonesia sa Bali noong 2018, at isang matagumpay na ESEAP Strategy Summit ang ginanap sa Bangkok noong Hunyo 2019. Maraming nagbago mula noon kaya layunin naming muling iugnay ang mga tao sa kilusang Wikimedia sa loob ng ESEAP rehiyon, upang magbahagi ng mga ideya, at bumuo ng mga pagtutulungan sa rehiyon.

Para sa mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa eseap.conf@wikimedia.org.au.


ESEAP Conferences and Summits
2018201920222023202420252026