Jump to content

Wikimedia Foundation elections/Board elections/2015/tl

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
This page is a translated version of the page Wikimedia Foundation elections/Board elections/2015 and the translation is 100% complete.
Info The election ended 31 Mayo 2015. No more votes will be accepted.
The results were announced on 5 Hunyo 2015. Please consider submitting any feedback regarding the 2015 election on the election's post mortem page.

Gaganapin ang halalan para sa Lupon ng mga Katiwala ng 2015 mula 17 hanggang 31 Mayo 2015. May oportunidad ang mga kasapi ng pamayanang Wikimedia na maghalal ng tatlong kandidato sa dalawang-taong taning na lilipas sa 2017. Ang Lupon ng mga Katiwala ang kataas-taasang tagapangasiwa ng Pundasyong Wikimedia, isang 501(c)(3) na organisasyong 'di-kumikinabang na nakatala sa Estados Unidos. Pinamamahala ng Pundasyong Wikimedia ang mga samu't-saring proyekto tulad ng Wikipedia at Commons.

Ihahayag ng Komite sa Halalan ang resulta sa o bago ng 5 Hunyo 2015. Ipapalabas din ang detalyadong resulta.

Kaalaman para sa mga boboto

Paraan ng pag-boto

Kung kuwalipikado kang bumoto:

  1. Basahin ang mga pahayag ng mga kandidato at mamili sa kung sino sa mga kandidato ang iyong isusuporta.
  2. Pumunta sa pahinang SecurePoll ng pagboto.
  3. Sundan ang mga tuntunin.
May problema ka pa ba pagboto? Tingnan mo rito.

Kakailanganin

Mga patnugot

Maaring bumoto sa pamamagitan ng isang rehistradong account na iyong pag-aari sa Wikimedia wiki. Isang beses lamang maaring bumoto, kahit ilan pa ang bilang ng iyong mga account. Upang maging karapat-dapat bumoto ang isang account na ito ay dapat

  • na hindi blocked sa higit sa isang proyekto;
  • at huwag maging bot;
  • and have made at least 300 edits before 15 April 2015 across Wikimedia wikis (edits on several wikis can be combined if your accounts are unified into a global account);
  • and have made at least 20 edits between 15 October 2014 and 15 April 2015.

AngAccountEligibility toolay maaring magamit upang tiyakin ang kuwalipikasyon ng isang patnugot sa pagboto.

Mga tagapagpaunlad

Ang mga developers ay maaring makaboto kung sila ay:

  • Tagapamahala sa server ng Wikimedia na mayroon shell access;
  • Or have commit access and have made at least one merged commits in git to Wikimedia Foundation utilized repos between 15 October 2014 and 15 April 2015.
Mga kawani at kontratista ng Pundasyong Wikimedia

Current Wikimedia Foundation staff and contractors qualify to vote if they have been employed by the Foundation as of 15 April 2015.

Ang mga kabilang sa lupon ng Wikimedia Foundation, mga kabilang sa lupon ng Tagapayo, mga kabilang sa kumite ng FDC

Ang mga kasalukuyan at nakaraang kasapi ng Lupon ng mga Katiwala ng Pundasyong Wikimedia, ng Lupong Tagapayo ng Pundasyon, at ng Komite sa Pamamahagi ng Pondo ay maaring bumoto.

Impormasyon para sa mga magnonomina

Ang lupon ay naghahanap ng katangi-tanging grupo ng mga kandidato na nakaaalam na ang mismong komunidad ay siyang malamang na batid kung sino ang nararapat. May kilala ka ba na sa akala mo ay magiging magaling na kandidato para sa Lupon ng mga Katiwala? Kung mayroon, inomina mo sila para sa posisyon!

Paraan sa pag-nomina ng ibang tao

Kung inaakala mong ang mga kandidato ay kuwalipikado, maari mong hilingin sa komite sa halalan na makipag-ugnayan sa kanila, magbigay ng mga kaalaman tungkol sa posisyon at anyayahan silang maghain ng aplikasyon o magtanong. Kung nais mong gawin ito, sumulat ng e-liham sa board-nominations@lists.wikimedia.org na may:

  1. Bansag o pangalan ng tagagamit na nais mong nominahan.
  2. (Mga) posisyon ang sa palagay mo bagay siya.
  3. Sang-ayon ka ba sa pagbigay ng iyong pangalan o bansag bilang taga-nomina?
  4. Isang maigsing paglalarawan ng bakit sa palagay mo bagay sila para sa posisyon at ano ang kanilang maibibigay sa kilusan.

Mga susunod na mangyayari

Makatapos makatanggap ng nominasyon, makikipag-ugnayan ang komite sa halalan o ang kanilang tagapayo sa Pundasyong Wikimedia sa nominado upang magbigay ng impormasyon ukol sa posisyon at ang mga kinakailangan nito, at upang tingnan kung interesado sila sa pagtakbo. Kapag interesado sila, bibigyan sila ng mga tuntunin sa kung paano mag-sumite ng kandidatura at, tulad ng dati, bibigyan sila ng pagkakataong magtanong ukol sa proseso o sa posisyon.

Impormasyon para sa mga kandidato

Dapat sang-ayon ang pagpili ng mga bagong katiwala sa tungkulin ng pag-alaga (duty of care) ng Lupon ng Pundasyong Wikimedia. Dapat kumikilos ang Lupon sa paraang makatwiran, masipag at maalamin, at nang may alagang ginagamit ng karaniwang taong may-ingat sa magkatulad na pangyayari. Halimbawa, may bisa itong tungkulin ng pag-alaga sa maingat na pagpili ng mga kuwalipikadong indibiduwal na manungkulan sa Lupon na hindi mambabastos sa kapulungang iyon.

Hinihikayat ang lahat na nagmumuni-muning tumayo bilang kandidato na basahin ang Manwal ng Lupon ng Pundasyong Wikimedia bago sila mag-sumite ng kanilang kandidatura.

Mga tungkulin bilang kasapi ng Lupon

May responsibilidad ang Lupon ng mga Katiwala sa pangangasiwa ng mga operasyon ng Pundasyong Wikimedia. Pinapahintulutan ng mga mabubuting katiwala ang mabuting pamamahala ng Punong Tagapangasiwa at ng mga kawani. Hindi sila nangangasiwa mismo sa organisasyon o nanghihimasok sa pang-araw-araw na operasyon nito. Kasama sa tungkuling mangasiwa ng Lupon ang pagdedesisyon, pagmomonitor at pamumuno.

Kasama sa mga tungkuling ito ang:

  • Gumawa ng mga pagpapasya sa pangarap, istratehiya, layon, at mga mataas na antas na patakaran para sa samahan;
  • Bantayan ang mga pagganap, panganib, pananalapi at pagsunod ng Pundasyong Wikimedia
  • Magpayo sa Punong Tagapangasiwa at mga nakatataas na tauhan, na humuhugot sa makabuluhang kakayahan at karanasan ng kasapi sa Lupon
  • Magpaliwanag at makipagtalastasan tungkol sa mga layunin ng Pundasyong Wikimedia sa pamayanan at sa pangkalahatan

Ang mga kasapi sa Lupon ay dapat na magpanatili ng katapatang legal at etikal ng samahan, mangalap at magturo ng mga bagong kasapi at luminang sa pagkakaiba-iba sa Lupon

Alamin ang mga iba pa tungkol sa tungkulin ng Lupon ng mga Katiwala sa Manwal ng Lupon ng Pundasyong Wikimedia.'

Mga kinakailangan sa kandidatura

Upang maging kuwalipikado sa pagtakbo, dapat na payag at may kakayanan ang mga kandidato na tuparin ang mga tungkulin ng lupon at ng paglilingkod sa komite, kagaya nang paggugol ng panahon at lakas na kinakailangan sa pagganap ng mga pagtatanong ukol sa mga makabuluhang paksa, gumawa ng mga pagpapasiya na batay sa kaalaman at mabuting paniniwala at sa pagdalo sa mga miting ng regular. Ang mga rekisitos para sa mga kandidato ay pareho rin nang sa mga botante (tingnan ang pangangailangan sa mga botante) at may iba pang rekisitos:

  • Ikaw ay hindi nahatulan ng mabigat na krimen o kahit na anong krimeng pagsisinungaling o pandaraya at
  • Ikaw ay hindi itiniwalag sa posisyon sa isang non-government organization o sa iba pang kumpanya sa dahilang maling-pamamahala o maling gawain at
  • Sa panahon ng nominasyon o halalan, ikaw ay hindi maaring naka-ban o naka-block sa alinmang proyektong Wikipedia sa loob ng 30 o higit pang araw at
  • Kailangan mong ipaalam sa madla ang iyong tunay na pangalan sa iyong presentasyon sa pagkakandidato (sapagkat ang pagkakailanlan ng mga kasapi sa Lupon ay isang pampublikong tala, hindi maaring magkaroon ng posisyon sa Lupon ng mga Katiwala nang hindi nagpapakilala o nang gumagamit ng alyas);at
  • Dapat ay 18-taong gulang pataas at nasa legal na edad sa iyong tinitirhang bansa; at
  • Makapagpapasa sa Pundasyong Wikimedia ng katunayan ng iyong pagkakakilanlan (tingnan sa ibaba).

Papaano ipasa ang iyong kandidatura

Kung ikaw ay karapat-dapat, maaaring kang magpasa ng iyong kandidatura sa pamamagitan ng paggawa sa mga sumusunod:

  1. Sumulat ng maikling buod nang hindi lalampas sa 1200 characters(hindi kasali ang mga espasyo)na nagsasaad kung papaano mo inaasam na mapagyaman ang buong Lupon, ipaliwanag ang iyong mga kaugnay na opinyon at karanasan, at kahit na anong sa palagay mo ay makabuluhan. Ang karagdagang buod na hindi hihigit sa 400 characters (hindi kasama ang mga espasyo) ay ipakikita sa pahina ng botohan.Hindi maaring gamitin ang buod upang ikawing sa listahan ng mga pagsang-ayon o sa iba pang mga pahina sa plataporma at hindi maaaring sumagasa sa slate ng ibang kandidato.
  2. Ipasa ang inyong mga buod sa pagitan ng 00:00, Abril 20, 2015 (UTC) at 23:59, Mayo 5 2015 (UTC). Ang inyong pahayag ay maari lamang baguhin sa loob ng tatlong araw matapos ang pagpasa o hanggang sa Mayo 5, maliban na lamang sa mga maliliit na pagbabago (halimbawa, pagtatama ng baybay) o pagsasalin.

Ang mga kandidatong hindi makasusunod sa mga pangangailangan at taning na nakasaad sa itaas ay hindi maaaring kumandidato.

Pagsusumite ng patunay ng pagkakakilanlan sa Pundasyong Wikimedia

Ang mga kandidato sa naturang posisyon ay kinakailangang magpasa ng katunayan ng pagkakakilanlan at patunay na nasa hustong gulang (hindi menor de edad) bilang rekisito sa pagtakbo. Ang mga katunayang ito ay maaring iparating sa mga sumusunod na pamamaraan:

  • Kopya o iskan ng lisensiya sa pagmamaneho.
  • Kopya o iskan ng pasaporte.
  • Kopya o iskan ng ibang opisyal na dokumentasyong naglalaman ng tunay na pangalan at edad.

Maaari itong ibigay sa Pundasyong Wikimedia gamit ang isa sa sumusunod na paraan:

  • gamit ang elektronikong liham (e-liham) sa secure-info(_AT_)wikimedia.org
  • gamit ang paksimile sa +1 (415) 882-0495 (kung gagawin mo ito, mangyari pong magpadala ng e-liham sa secure-info(_AT_)wikimedia.org para magbigay ng babala na may papasok na paks)
  • gamit ang koreo (liham) sa:
Wikimedia Foundation Inc.
ATTN: JAMES ALEXANDER
149 New Montgomery Street, 6th Floor
San Francisco, CA 94106
USA
  • Tandaan na hindi inirerekomenda ang koreo. Walang ibibigay na pagpapaliban kung hindi makararating ang dokumentasyon ng kandidato sa tanggapan ng Pundasyong Wikimedia pagsapit ng taning na 23:59 UTC, 5 Mayo 2015.

Pagsasaayos

Palatakdaan ng oras

  • 5 Mayo: Taning para sa pagpasa ng kandidatura at pagpapatunay ng pagkakakilanlan
  • 5–16 Mayo: Mga katanungan at talakayan sa pagitan ng mga kandidato at ng pamayanan
  • 17–31 Mayo: Botohan
  • 1–5 June: Pagpapatunay ng mga boto
  • 5 Hunyo: Takda para sa pag-anunsiyo ng resulta