Tagagamit:Elitre (WMF)/Inisyatibong Pampalago
Translators: please note that message documentation (that is, "instructions") is available for some of the following units. Please allow a few seconds for it to load when you enter the translation interface.
Pagpapabuti ng suporta sa pagsasalin para sa Wikipediang Tagalog
Matagumpay hanggang ngayon ang Kagamitang Pangsasalinwika sa pagsuporta ng proseso sa pagsasalin para sa mararaming pamayanan ng Wikipedia, at nais naming makilahok kasama ng mga patnugot ng Wikipediang Tagalog sa isang bagong inisyatibo para pabutihin ang kagamitan ayon sa iyong mga pangangailangan.
Pinapadali ng Pangsasalinwika ang paglilikha ng mga artikulong Wikipedia sa pamamagitan ng pagsasalin ng nilalaman sa ibang mga wika. Nagamit na ito para lumikha ng higit sa kalahating milyong artikulo. Bilang karagdagan, ang kagamitan ay may mga mekanismong pampahikayat ng paglikha ng nilalamang may mahusay na kalidad na humahadlang sa paglathala ng mga di-gaanong namatnugot na de-makinang pagsasalin. Sa pangkalahatan, ipinapakita ng aming pagsusuri na ang mga nagawang pagsasalin ay may mas mababang posibilidad na mabura kaysa sa mga artikulong sinimulan mula sa wala.
Ginamit ng mga pamatnugot ng Wikipediang Tagalog ang Pangsasalinwika para makagawa ng 2,222 artikulo. Kung isasaalang-alang ang laki ng pamayanang namamatnugot, sa tingin namin may potensyal para gamitin ang pagsasalin para makagawa ng mas maraming artikulo, palawakin ang mga mayroon na, at umakit ng mga bagong patnugot na matutuo kung paano gumawa ng mga mapakinabang na pagbabago. Makatutulong ang pagsasalin sa pamayanan para mabawasan ang agwat-wika sa mga ibang wika at paramihin ang mga patnugot sa magagawang paraan. Para makamit ang layuning ito, nais naming makilahok kasama ka upang:
- Gawing mas kita ang Pangsasalinwika sa Wikipediang Tagalog. Kasangkot dito ang pagagawang magagamit ang kagamitan kaagad, mas halatang paglalantad ng kagamitan sa mga kaugnay na lugar, pagpapaibabaw ng mga may kaugnayang kakulangan sa nilalaman, at pagsasabagay ng proseso upang matugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan. Sa ganitong paraan, mas marami ang mga patnugot na makahahanap ng nilalamang may kaugnayan na isasalin.
- Dagdagan ang saklaw ng nilalaman ng mga artikulong mayroon na. Siyasatin ang mga ideya para palawakin ang mga artikulong mayroon na sa pagsasalin ng mga bagong seksyon. Sa pamamagitan nito, makakapagpalawak ang mga tagagamit ng mga artikulong mayroon na sa pagdagdag ng mga bagong aspeto upang ipagbigay-ulat nang mas detalyado ang paksa.
- Suporta sa pagsasalin sa mas maraming device. Isuporta ang pagsasalin mula sa mga mobile device para makabigay ng mas maraming pagkakataon na mag-ambag sa anumang device, at makalahok ang mga bagong patnugot.
Nais naming ibahagi ang aming mga layunin sa pamayanan. Itutukoy ang mga detalye para sa mga susunod na hakbang bilang bahagi ng kolaborasyon kasama ng komunidad, at balak din naming simulan ang isang proseso ng pananaliksik para mas maintindihan ang mga partikular na pangangailangan ng pamayanan.
Bilang unang hakbang gusto naming marinig ang iyong mga pakiramdam tungkol sa mga sumusunod:
- Sa tingin mo ba may potensyal ang ideya ng pagpapabuti ng suporta sa pagsasalin sa mga paraang inilarawan sa itaas bilang magagawang paraang pampalago para sa Wikipediang Tagalog?
- May naiisip ka bang kailangang pag-usapan?
Mangyaring ipagbigay-alam sa amin ang inyong palagay sa iminungkahing inisyatibo at huwag mahiyang magbahagi ng anumang komentaryo sa usapang ito.
Nais ka naming pakinggan
Hi User:Elitre (WMF)/Boost initiative/tl,
Nagpasimuno ang pangkat Wika ng bagong inisyatibo upang palawakin ang paggamit ng pagsasalin para tulungan ang Wikipediang Tagalog at iba pa sa paglalago. Mahalga sa amin ang iyong katugunan dahil nakagawa ka ng maraming salinwika gamit ang Kagamitang Pangsasalinwika. Pakisali sa usapan sa iyong lokal na pahinang pamayanan o sa project talk page sa at mediawiki.org, at ibigay ang iyong mga palagay. Salamat! Sa ngalan ng pangkat Wika.