Jump to content

Translation requests/WMF/About Wikimedia/tl

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki

Mga Palagiang Tanong

[edit]

Isang punong kapisanan ang Wikimedia Foundation Inc. ng mga iba-ibang proyektong malayang naglalaman, pinakatanyag ay ang Wikipedia ang ginantimpalakang ensiklopedya sa Internet.

Ano ang pakay ng Foundation ?

[edit]

Ang pagpapalakas at pananagupa ng mga tao sa buong mundo upang makaipon at makapagpabuti ng mga nilalamang pangkaalaman sa ilalim ng lisensyang pangmalayang nilalaman o ng pampublikong dominyo, at mabisa at malawakang mapalaganap ito ang pakay ng Wikimedia Foundation.

Sa pakikipagtulungan sa isang lambat-lambat ng mga kabanata, binibigay ng Foundation ang makabuluhang pundasyon at isang pangkapisanang balangakas para sa pagsuporta at pagpapabuti ng mga proyektong wiki sa iba-ibang mga wika at iba pang mga sikap na naglilingkod sa pakay na ito. Gagawa at magpapanatili ang Foundation ng mga kaalamang kapaki-pakinabang mula sa mga proyekto nitong makukuha sa Internet nang walang bayad, magpakailanman.

Silipin din ang aming pamakay na pagpapahayag.

Isa ba kayong kawang-gawa?

[edit]

Ang Wikimedia ay isang kawang-gawang samahang di-pampakinanabang na binuo sa ilalim ng mga batas ng Florida, EU. Ganap na matuos, Ang Wikimedia Foundation ay nakatala na ngayon bilang isang samahang kawang-gawa sa Guidestar at sa mga kasama nitong sayt. Mayroong kalagayang walang kasaklawang pamuwis na 501(c)(3) ang Wikimedia Foundation sa loob ng Estados Unidos.

Opisyal na ipinahayag ang pag-iral ng Wikimedia Foundation ng Tagapagtaguyod ng Wikipedia Jimmy Wales noong Hunyo 20, 2003. Makukuha sa internet ang mga alituntuning panloob ng Wikimedia Foundation Inc..

Aling mga proyekto ang inyong tinataguyod?

[edit]

Tinatagiyod ng WMF ang Wikipedia, ang sikat na ensiklopedyang pang-Internet na isa sa mga sampung pinakabinibisitang websayt sa mundo noong kagitnaan ng 2007. Mula sa pagkakatatag ng Wikipedia noong Enero 2001, at sa pagkakaingkorpora ng Wikimedia Foundation noong Hunyo 2003, naging mapanuray ang aming paglaki. Lumaki na ang Wikipedia sa wikang Ingles, ang una naming proyekto, mula 135,000 artikulo sa panahon ng pagkaka-ingkorpora hanggang 1.8 milyong artikulo ngayon. Nagmamalaki ang mga Wikipedia sa mga iba pang 8 wika ng mahigit sa 250,000 artikulo ng kanilang sariling gawa.

Gayon man, nagpapalakad din ng mga mararaming proyekto ang Foundation maliban pa sa Wikipedia, gaya ng Wikimedia Commons, ang sisidlan ng mga malalayang larawan at iba pang mga midya, na naghumigit ng 1 milyong larawan noong Nobyembre 2006. Wiktionary, ang malayang talasalitaan, ay mayroong 8 talasalitaang mayroong higit pa sa 50,000 tala, tatlo doon ay mayroong higit pa sa 200,000 kahulugan. Wikisource, isang sisidlang pangpinagmumulang orihinal, ay palapit na sa 150,000 pahina ng nilalaman. Wikiquote (mga sipi), Wikibooks (mga aklat na sinulat sa pakikipagtulungan), Wikinews (pangmamamayang pamamahayag), at Wikiversity (pagpapabuting pangkurikulum); lahat ay tuluy-tuloy na lumalaki sa parehong hanay ng takbo.

Lahat-lahat, mayroon ang aming mga proyekto ng mahigit sa 7.8 milyong pahina, 2.2 milyong larawan, at 5 milyong nakatalang panagutan.

Ang Wikitravel, Omegawiki at Wikia ay mga wiking hiwa-hiwalay na hindi pinapangasiwaan ng Wikimedia Foundation.

Mas maraming kaalaman ang maaaring matagpuan sa aming mga proyekto. Sa isang halimbawa, heto ay isang ulat sa kalagayan ng Wikisource.

Paano pinapatakbo ang Foundation?

[edit]

Pinapamahalaan ng Lupon ng mga Katiwala ng Wikimedia ang kapisanang di-pampakinabang at pinapangasiwaan ang panlilimos at pamamahagi ng mga kaloob. Ang Lupon ng mga Katiwala ang sukdulang pansamahang makapangyarihan sa Wikimedia Foundation Inc. (artikulo IV, sek. 1 ng mga alituntuning panloob ng Wikimedia Foundation). Mayroong kapangyarihan ang Lupong iutos ang mga gawain ng Foundation.

Napapaloob sa sayt na ito ang buong talaan ng mga paunawa mula sa mga pagpupulong ng Lupon hanggang sa katapusan ng 2005.

Noong 2006, nagpalit kami sa isang dalawahang sistemang nagpapakita ng parehong mga sandali ng pagpupulong (karaniwang hindi inililimbag), at mga panukala. Gumawa rin kami ng isang katipunan ng mga Komite at umupa ng aming unang Pampangasiwaang Patnugot, Brad Patrick, noong Hunyo 2006. Nagaganap sa internet, sa aming mga wiki, sa aming talaang panliham, at sa elektronikong usapan (IRC) ang karamihan ng pakikihalubilo ng mga kasaping panlupon, kawani, kasaping pangkomite, mansasa-ayos at pamayanan. Gayon pa man, kailagang pa rin naming harapin ang mga pagkakataon sa Wikimania (ang aming taunang pakikipanayam), sa retirong panlupon, o sa mga panlupong pagpupulong sa totoong buhay.

Mayroon lamang kaming isang tanggapang matatagpuan sa Florida (EUA), kung saan nagtatrabaho ang karamihan ng aming mga namamasukan. Lahat ng iba pang mga kasaping panlupon at kawani ay nagtatrabaho nang malayuan. Ang kawanian ay binubuo ng 11 tao (noong gitnang 2007); hindi rito kasama ang mga mararaming boluntaryo, mula sa mga kasaping panlupon hanggang sa mga mambabasa ng mga patunay.

Sa katapusan ng 2006, naganap ang mga malalaking pagbabago sa kapisanan, kasama na ang apat na bagong kasaping panlupon sa loob ng tatlong buwan, pagpapalit ng tagapangulo ng Foundation, paggawa ng isang lupong tagapayo, at mga binagong alituntuning panloob.

Makakatagpo ng mas marami pang kaalaman ukol sa mga gawain ng Foundation sa:

Sinu-sino ang mga kasapi ng Lupon ng mga Katiwala ng Wikimedia Foundation?

[edit]

Noong pang Enero 2008, ang talaan ng mga kasaping panlupon ay

  • Florence Devouard
  • Kat Walsh
  • Jimmy Wales
  • Jan-Bart de Vreede
  • Frieda Brioschi

Noong Enero 2004, itinalaga ni Jimmy Wales sina Tim Shell at Michael Davis sa Lupon ng mga Katiwala ng Wikimedia Foundation at sunod na tinawagan ang mga kandidato para sa mga kinatawang pampamayanan [1]. Noong Hunyo 2004, naganap ang isang halalan para sa dalawang kinatawan manggagamit na kasapi ng Lupon. Sumusunod sa isang buwan ng pangangampanya at dalawang buwan ng pagboto sa internet, naihalal sina Angela Beesley at Florence Nibart-Devouard upang makasali sa lupon. Muli silang naihalal sa sumusunod na taon noong Hulyo 2005.

Noong Hulyo 2006, ipinahayag ni Angela Beesley ang kanyang pagbibitiw at noong Setyembre 2006, inihalal si Erik Möller bilang kanyang kapalit. Noong Disyembre 2006, nagtalaga ang Wikimedia Foundation ng dalawang bagong kasaping panlupon, sina Kat Walsh at Oscar van Dillen. Piniling magbitiw ni Tim Shell mula sa lupon at pinalitan ni Jan-Bart de Vreede. Noong Hulyo 2007, naganap ang isang halalan para sa mga magtatapos na taning nina Möller, Walsh, at van Dillen. Napanatili nina Möller at Walsh ang kanilang mga luklukan, at napalitan si van Dillen ni Frieda Brioschi.

Pinili ni Davis na bumaba nang nagtapos ang taning noong Disyembre 2007. Pinagpasiyahan ni Möller na iwanan ang Lupon nang siya ay inalok ng katungkulang Kinatawang Panagutan ng Wikimedia, isang katungkulang tagapagpaganap sa kawanian noong katapusan ng 2007. Ang kanilang mga inupuan ay walang-tao, at naghahanap ang Lupon ng kapalit.

Makakatagpo ng mga talambuhay at taning ng mga pangkasalukuyang kasaping panlupon sa Lupon.

Paano pinaglilingkuran ng Foundation ang pakay nito?

[edit]

Una, minamay-ari ng Wikimedia Foundation ang mga serbidor ng Wikimedia kasama na rin ang mga pandominyong bansag at tatak-pangkalakal ng lahat ng mga proyektong Wikimedia at ang software na MediaWiki. Karaniwang sinusuportahan nito ang lahat ng mga gastusin ng pagpapanatiling nakataguyod at natakbo ang mga proyekto. Pinapanatili sa mga mang-aambag ang karapatang-ari ng kanilang sariling nilalaman ngunit kailangan nilang ilabas ito sa ilalim ng malayang lisensyang, na pinakakaraniwang GNU Malayang Lisensyang Pandokumentasyon, pumapayag sa kanino mang ituloy ang paggamit nito para sa alin mang layunin, magpakailanman. Sa pamamagitan ng panuntunang ito ng malayang nilalaman, tinitiyak naming hindi kailanmang mawawala ang aming gawa sa sangkatauhan.

Gumaganap din ang Foundation ng isang mahalagang mapagpabagong bahagi sa lalo pang pagpapabuti ng mga proyekto, pang-uugnay ng mga tao, pagtataguyod ng pakikipagtulungan sa mga ibang pangkat, at iba pa. Higit sa lahat, mayroong sari-sariling pangangailangang panteknolohiyang tinatagpo ng aming maliit ngunit sanay na pangkat ng mga tagapagpabuting pansoftware ang lahat ng aming mga proyekto. Ang kaunahang pinakamataas ng 2007 ay ang sariwang pokus sa pagtitiyak ng kalidad. Napapaloob dito ang mga kayariang ginagamit sa pagtatangi ng mga bersyong pangnilalaman katulad ng mga artikulong Wikipedia.

Upang matiyak ang tagumpay sa lahat ng pagsubok, kakailanganin ng Foundation ang pakikipagtulungan sa mga kapisanan at bahay-kalakal sa buong daigdig. Nasasaloob sa aming pangkalakalang pagbabalak ang kawaniang propesyonal na sisikaping yaong mga estratehikong pagkikibaka, at iuugma rin ang aming lumalaking lambat-lambat ng kapisanang kabanata sa mga iba-ibang bansa.

Paano ginagastos ang kita?

[edit]

Tinataguyod ng karamihan ng paggastos ng WMF ang aming mga programa. Pangunahin ang aming mga gastusin sa hardwer at bandwidth na pinapanatiling mataas at natakbo ang aming mga websayt.

Ang nag-iisang pinakamalaking gastusin ng WMF ay sa harwer na sinusundan ng mga gastusing pampaglalathala at para sa bandwidth. Nakikita ng WMF na tuluyang tumataas ang imbentaryo nito ng pangkompyuter na hardwer upang makamit ang pangangailangan. Nandito ang laging binabagong kalagayan ng hardwer na ito: kalagayang panghardwer ng Wikimedia.

Ang pangunahing dahilan ng pagtaas ay ang paglaki ng aming trapiko. Noong katapusan ng taong 2006, tinala ng Comscore ang mga sayt ng Wikipedia bilang ika-anim na sayt sa mundo sa pagsukat ng mga natatanging panauhin (*). Nakatanggap ang Wikipedia, ang aming pangunahing websayt, ng humgit-kumulang na 285,000 pagtingin sa mga pahina bawat minuto. Nag-aalala ang WMF sa mga kinakailangan pangakong pampamumuhunan at pampagpapalakad upang panatilihing natakbo ang mga sistemang ito nang maaasahan. Lalampas ng $2.5 milyon ang mga gastusing ito sa taong 2007.
(*) Inaalis ang trapiko mula sa mga panawag na mapapakilos, PDA, at pampublikong kompyuter katulad ng mga tambayang pang-internet.

Isa ring bahagi ng gastusin ng Wikimedia ang pagtatala ng mga dominyo at tatak. Minamay-ari na ng Foundation ang ilan sa mga aktibo at ikalawang/kabahaging mga pandominyong bansag, habang ang ibay ay malaya pa rin o minamay-ari na.

Dahil sa paglaki ng kawaniang pantanggapan, tumaas ang mga pampangangasiwang gastusin. Ngunit sa kalahatan, mababa ang paglalaan ng mga gastusin para sa pangalap-pondo dahil sa pag-asa ng WMF sa mga kaloob sa internet sa karamihan ng mga kita nito. Hindi nakikisali sa mga kilusang pagpapaalam sa "tahasang liham". Dahil mayroong pagharap ang WMF sa internet, mayroong halagang makipag-ugnay at humiling ng mga kaloob sa parehong espasyong birtwal. Hanggang ngayon, gumagana ito.

Napanatiling mababa ang gastusin sa mga nagdaang tatlong taon, karamihan ay dahil sa kalakhan ng mga taong natulong ay mga boluntaryo.

Silipin din: Para saan namin kailangan ang salapi

Saan nagmumula ang salapi?

[edit]

Simula noong Hulyo 2007, pangunahing pinopondohan ang Wikimedia ng mga pansariling kaloob, ngunit pinopondohan rin sa mararaming handog at bigay ng mga serbidor at paglalathala (silipin ang mga mananangkilik).

Tumatanggap ang WMF ng mga kaloob mula sa rarami pa nang 50 bansa sa mundo. Karamihan ng mga kaloob sa WMF ay nagmumula sa bansang mananalita ng Ingles (EU, UK, Kanada, Awstralya). Lagpas sa kalahati ng mga kaloob na ito ay di-kilala. Kahit ang mga tig-iisang kaloob ay kung maikukumapara ay maliit, ang kanilang karamihan ay tumutiyak sa tagumpay.

Hinahangad na taasan ng Wikimedia Foundation ang kita sa paghahanap ng iba pang mga daan ng pagtaguyod, nasasaloob na roon ang mga handog at pananangkilik pati na rin ang pagbibili ng WikiReaders (mga bersyong pang-aklat o pamPDF ng mga artikulo mula sa Wikipedia). Mayroon ding usapan sa pagbibili ng isang bersyong limbag ng isang malaking bahagi ng Wikipedia, katulad ng proyektong "Wikipedia 1.0".

Hindi kami gumagamit sa ngayon ng pag-aanunsiyo bilang isang pinagmumulan ng kita.

Mayroong kalagayang walang kasaklawang pamuwis 501(c)(3) ang Wikimedia Foundation sa Estados Unidos. Maaaring mabawasan rin ng buwis ang mga kaloob mula sa mga ibang bansa. Silipin ang kabawas-bawasan ng mga kaloob para sa detalye. Pakisilip ang aming pahinang pangalap-pondo para sa detalye ng pagbibigay-kaloob sa pamamagitan ng PayPal, MoneyBookers o ng pangkoreong liham. Para sa lahat ng iba pang mga uri ng pangangaloob, makipag-ugnay kay Sue Gardner sa sgardner at wikimedia.org.

Mayroon ba kayong mga pampananalaping pahayag na tinuos?

[edit]

Tinuos ang aming mga pampananalaping pahayag para sa mga taong pangkabang 2004, 2005 at 2006 by nina Gregory Sharer & Stuart [2] at sumusunod sa karaniwang tinatanggap na mga prinsipyong pampanunuos.

Mga kawi sa mga pampananalaping pahayag at pampamamahalang liham:

Ano ang Wikia? Bahagi ba ito ng Wikipedia? Isa ba ito sa mga proyekto ng Wikimedia Foundation?

[edit]

Ang Wikimedia Foundation ay isang nakatalang di-panubong nakatalaga sa pagpapabuti at pang-iingganyo ng malayang nilalaman. Noong 2004, tinatag nina Jimmy Wales at Angela Beesley ang Wikia, Inc. nang mayroong ideya ng paggamit ng parehong modelo ng sa mga proyektong Wikimedia upang makagawa ng malawak na katipunan ng mga wiking nakatalaga sa mga nilalamang hindi angkop sa alin mang proyektong Wikimedia Wikimedia. Ang mga unang kasapi ng Wikia ay sina Jimmy Wales, Angela Beesley, at Michael Davis, tatlong mga kasaping panlupon ng Wikimedia Foundation. Ngunit isa itong kompanyang ganap na hiwalay.

Sa mga ilang paraan, kapareho ng mga syat ng Wikia sites ang Wikipedia: parehong naghahandog ng malayang nilalamang maaaring baguhin ninuman. Sa mga ibang paraan, magkaiba ang mga ito: karaniwang mayroon ang Wikia ng mas natatanging nilalaman, at tumatampok ng mga gabay pantagahanga, pangkaalamang pampalalakbay, mga wiking pamaano, at ang Uncyclopedia, isang kilalang parodya Wikipedia. Kabaliktaran ng Wikipediang pinopondohan ng mga kaloob, pinopondohan ang Wikia ng mga mamumuhunan at pag-aanunsiyo.

Mayroong malusog na ugnayan ang Wikimedia at Wikia, at karaniwang nangangaloob ang mga tao sa mula sa isa sa isa at isa. Hanggang kamakailan lamang, tinulungan ng Wikia ang Wikimedia Foundationg maayos ang mga espasyong pantanggapan sa pangangaloob sa St. Petersburg, Florida. Ngunit ang mga iyon ay mga kompanyang hiwalay na mayroong magkaibang modelong pangnegosyo.

Silipin ang CentralWikia:Wikimedia para sa dagdag na detalye sa ugnayan sa pagitan ng Wikia at Wikimedia.

Paano ako makikipag-ugnay sa Foundation?

[edit]

Silipin ang pahinang "Contact us" para sa detalye.