Misyon
Ang pahayag ng misyon ng Pundasyong Wikimedia ay naglalarawan ng aming kasalukuyang gawain at tungkulin, ang sakop ng aming mga proyekto, at aming mga pangunahing katangian. Maihahambing ito sa pahayag ng bisyon. Ang aming kasalukuyang pahayag ng misyon, isang paglalahad ng maigsing bersiyon sa Artikulo ng Ingkorporasyon, ay:
Ang misyon ng Pundasyong Wikimedia ay mabigyan ng kapangyarihan at mahikayat ang tao sa buong mundo na mangumpuni at magpaunlad ng nilalamang pang-edukasyon sa ilalim ng isang malayang lisensiya o sa pampublikong dominyo, at ipamahagi ito nang epektibo sa buong mundo.
Kasama ng isang kalambatan ng mga sangay, inilalaan ng Pundasyon ang batayang imprastruktura at isang balangkas na pang-orgasnisasyon para sa pagsuporta at pagpapaunlad ng mga multilingguwal na proyektong wiki at ibang mga gawain na naglilingkod sa misyong ito. Gagawa at papananatilihin ng Pundasyon ang mga impormasyong may silbi mula sa mga proyekto nito sa Internet nang libre, magpakailanman.
Ang nasa itaas ay kagaya ng orihinal na pahayag ng misyon na inilahad nang tama. Dapat ginagawa ang mga mungkahi upang baguhin ang pahayag sa pahina sa Mission/Unstable, at lahat ng mga mungkahi ay isisiyasat, sa pinakakaunti, taun-taon.