Jump to content

Fundraising 2011/Susan Letter/tl

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki
Translation instructions
  • For pages marked "Missing" or "In progress", click the page title and start translating. When you are done, click "edit status" and change the status to proofreading.
  • For pages marked "Needs updating", compare the page to the source page and update the translation accordingly. When you are done, click "edit status" and change the status to proofreading.
  • It is important to have someone else proofread the translated page! If you have proofread a page and it is ready for publication, click "edit status" and change that page's status to ready.
  • If you are changing something that has already been published, change its status back to ready for it to be published again.

If you have any questions or feedback regarding the translation process, please post them here. Translation FAQ

Maaaring may halos isang milyon serbidor ang Google. Maaaring may halos 13,000 tauhan naman ang Yahoo. Ang Wikipedia ay mayroong 679 serbidor at 95 tauhan lamang.

Ang Wikipedia ay ang ika-5 sityo sa web at naglilingkod ito sa 470 milyong katao bawa't buwan - na pinatatakbo ng mga kaloob mula sa mga mambabasa.

Kapag ginagamit mo ang Wikipedia, mapapansin mo kung gaano kaganda ang pakiramdam na makukuha mo ang lahat ng impormasyong iyon nang walang bayad, at nang hindi kailangang magbasa ng mga patalastas, at nang walang mga bagay na sumusulpot sa gilid at kung anu-ano pa. Isa itong karanasang wagas.

Naniniwala ako na ang mga taong madalas na nakikinabang dito, na may kakayahan rin, ay maaaring makakaramdam nbg moral na obligasyon na makibahagi ng kahit kaunti lamang kung alam nila ano ang kailangan.

Bakit hindi ka makibahagi ng kaunting halaga ngayon? – o 5 o 20!

Ang isa sa mga kagila-gilalas na bagay sa Wikipedia ay ang mga nerd tulad ko, na mahilig sa mga gastropod (mga suso), ay nagkakaroon ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang mga kinahihiligan sa daigdig. Iyan ang hiwaga ng Wikipedia – mayroong liwanag sa kaibuturan ng ating mga puso na bagama't hindi natin mabigyan ng tinig ay nagnanais pa ring makatulong na makapagturo, na makapagbahagi ng kaalaman.

Nakikiusap kami na tulungan niyo po kaming panatilihin ang harding ito ng kaalaman sa pamamagitan ng inyong mga ambag ngayon.

Salamat,

Susan Hewitt
May-akda ng WIkipedia