Pagpupulong ng ESEAP 2018
Home | Programs | Attend | Submissions | Participants | Venue | Travel guide | FAQ | Report |
Ang Pagpupulong ng ESEAP 2018 ay isang panrehiyon na pagpupulong para sa mga pamayanan ng Wikimedia sa mga rehiyon ng ESEAP. Ang ESEAP ay kumakatawan para sa Silangang Asya, Timog-silangang Asya at ang Pasipiko. Ito ay gaganapin sa Bali, Indonesia sa 5-6 ng Mayo 2018 at ito ay ang kauna-unahang panrehiyon na pagpupulong para sa mga pamayanan ng Wikimedia sa mga rehiyon nito.
PanimulaAng Silangang Asya, Timong-silangang Asya at ang Pasipiko ay ang pinakahuli sa mga rehiyon sa pamayanan ng Wikimedia. May malaking bilang ng mga tagaambag ng Wikimedia na nagmumula sa ating mga rehiyon, subalit patuloy tayong nagsusumikap na bumuo ng isang maunlad na komunidad. Magdadala ng mga kalahok mula sa iba't ibang komunidad ng ESEAP an pagtitipon na ito upang magkaroon ng malalim na pagkakaunawa sa mga suliranin at humanap ng mga kasagutan. Layon din nito na maiugnay ang mga kasapi sa kilusang Wikimedia sa mga rehiyon ng ESEAP, maibahagi ang mga kaisipan, at makabuo ng pagtutulungan sa rehiyon na mahirap makamit kun sa online na pagkikipag-ugnayan lamang. |
|
Objective
- Learning how to build and manage local Wikimedia communities (capacity building)
- Promoting regional Wikimedia collaboration in ESEAP region
Kasaysayan
Ang Pagpupulong ng ESEAP nabuo makalipas ang ilang taon ng pagpaplano hanggang sa ito ay magaganap na rin sa Bali, Indonesia sa taon 2018. Noong WMCON 2015 sa Berlin, nagkaroon ng pag-uusap ang mga tagaambag sa Wikimedia mula sa Wikimedia Hong Kong (WMHK), Wikimedia Indonesia (WMID), Wikimedia Philippines (WMPH), Wikimedia Taiwan (WMTW), at China User Group ukol sa pagkakaroon ng isang rehiyonal na pagkikita-kita o meet-up.[1] Isinantabi muna ang ideya dahil sa kakulangan sa pag-uusap at pagplano. Noong sumunod na taon sa WMCON 2016, nag-usap-usap ang mga kinatawan ng WMHK, WMTW, WMID, Wikimedia Thailand (WMTH), China User Group, Wikimedians in Korea, Wikimedia Australia (WMAU) hinggil sa pagkakaroon ng rehiyonal na kolaborasyon sa mga aktibidad. Ang naging resulta nito ay ang ESEA Hub,[2] isang online platform page na may mga balita at report laman ang mga aktibidad ng mga chapter at mga user group sa mga rehiyon ng ESEA (subalit nakapanghihinayang na itinigil na ito). Pinag-usapan rin ang ideya ng pagkakaroon ng rehiyonal na pagkikita-kita, subalit walang sapat na pondo rito upang maisakatuparan ito.
The ESEAP Conference took several years of brainstorming until an event could finally be scheduled for Bali, Indonesia, in 2018. During WMCON 2015 in Berlin, Wikimedians from Wikimedia Hong Kong (WMHK), Wikimedia Indonesia (WMID), Wikimedia Philippines (WMPH), Wikimedia Taiwan (WMTW), and the China User Group had an initial discussion about the need for a regional meet-up.[3] The idea was put on hold indefinitely due to limited follow-up. A year later, during WMCON 2016, representatives of WMHK, WMTW, WMID, Wikimedia Thailand (WMTH), the China User Group, Wikimedians in Korea, and Wikimedia Australia (WMAU) discussed collaborative regional activities. The result was an online platform page on Meta called ESEA Hub,[4] which also included a periodic newsletter containing activity report/news from chapters and user groups in ESEA regions (unfortunately, it is also on hiatus now). The idea for a regional meetup was also discussed, but insufficient resources were available to hold the event at that time.
Ang pangangailangan para sa isang rehiyunal na pagpupulong ay ganap nang kinilala sa pag-uusap sa WMCON 2017[5] na dinaluhan ng mga tagaambag sa Wikimedia mula sa Tsina, Taiwan, Timog Korea, Pilipinas, Indonesia, Australia, Thailand, st Malaysia. Ang mga bansa na ito ay wala pang kolaborasyon o pag-uusap-usap sa bawat isa sa nakaraan dahil sa kawalan ng isang rehiyonal na pagpupulong sa rehiyon. Naniniwala kami na ang pagpapalitan ng mga karanasan ng bawat isa ay makakatulong sa mga pamayanan na mapatatag at ito ay magbubunga ng bayanihan sa hinaharap. Subalit, sa usaping kapasipad hinggil sa mga boluntaryo at rekurso pampinasiya, napagdesisyonan na ang unang pagpupulong ay gawing maliit muna ngunit makahulugan at sapat upang mapag-usapan ng mga kalahok ang mahahalagang isyu.
Napagdesisyunang gawin ito bilang isang rehiyunal na komperensya sa rehiyon ng Silangan Asya, Timog-silangang Asya at ang Pasipiko (ESEAP) dahil sa (a) heograpikal na pagkakapit-rehiyon ng mga ito, (b) ang matatag na pagtutulungan ng mga tagaambag sa Wikimedia mula sa karamihan ng mga bansa ng mga rehiyong ito sa mga nakaraang taon (online at offline), at (c) ang pangangailangan na mapatatag ang mga pamayanan dahil sa pagkakaroon ng mahigit 2,000 na mga wika sa mga rehiyong ito, ngunit wala sa 1% nito ang may sariling Wikipedia, Wiksyunaryo, o iba pang mga proyekto ng Wikimedia.
Ang mga Wikimedian sa Silangang Asya, Timog-silangang Asya, at ang Pasipiko na nasa pahinang ito, lalo na yaong mga aktibong kasapi o mayroong malaking kawilihan sa pagpapaunlad ng sariling pamayanan, ay siyang maaaring lumahok sa pagpupulong.
Komite
Kasapi ng Komite
- Tagapag-ugnay para sa kaganapan at ng mga boluntayo
- Tagapag-ugnay para sa pangangasiwa at logistik
Komite para sa mga boluntaryo
- Logistik
- Programa
- Iskolarsyep
- Athikhun Suwannakhan (tagapag-ugnay)
- Rachmat Wahidi
- Robert Myers
- Erick Guan
- Komunikasyon
Notes
- ↑ https://meta.wikimedia.org/wiki/Wikimedia_Conference_2015/Social_events/ESEA_meetup
- ↑ https://meta.wikimedia.org/wiki/ESEA_Hub
- ↑ https://meta.wikimedia.org/wiki/Wikimedia_Conference_2015/Social_events/ESEA_meetup
- ↑ https://meta.wikimedia.org/wiki/ESEA_Hub
- ↑ https://meta.wikimedia.org/wiki/Wikimedia_Conference_2017/ESEA_Meeting