Jump to content

Wikimedia Foundation elections/Board elections/2009/tl

From Meta, a Wikimedia project coordination wiki

Template:Board elections 2009/tl Ang 2009 Halalan para sa Lupon ng mga pinagkatiwalaan ay idadaos sa ika-28 ng Hulyo at ika-10 ng Agosto taong 2009. Ang mga kaanib sa komunidad ng Wikimedia ay may pagkakataong mag-halal ng tatlong kandidato para sa dalawang taong termino na matatpos sa taong 2011. Ang lupong ng mga pinagkatiwalaan ay ang pinakamataas na namamahala sa Wikimedia Foundation, isang 501(c)(3) di nagtutubong samahang nakalista sa Estados Unidos. Ang Wikimedia Foundation ay nangangasiwa sa marami at iba't ibang gawain tulad ng Wikipedia at Commons.

Ang halalan ay gaganaping ligtas sa mga servers ng Software in the Public Interest. Ang mga boto ay lihim at maaari lamang makita ng ilang piling tao na nagbibilang at nag-kwenta sa halalan. Ang mga botante ay magsusumite ng kanilang boto ayon sa pag-rango nila sa kandidato. Ang mga boto ay bibilangin gamit ang Schulze method para ma-isaayos ang mga kandidato batay sa bilang ng mga botante na gusto ang isang kandidato liban sa iba.

Ang lupon ng halalan ay maghahayag ng mga resulta bago mag o sa ika-12 ng Agosto. Ang mga detalye ay nakahanda. Ang lahat ng oras sa pahinang ito ay ika- 00:00 (hating gabi) UTC.

Kaalaman para sa mga botante

[edit]

Mga Kailangan

[edit]

Ikaw ay maaaring bumoto sa alin man sa mga nakalistang account mo sa Wikimedia wiki (maaari ka lamang bumoto ng isang beses, kahit ilan man ang iyong account). Para makasali, ang account mo ay dapat:

  • hindi isinara ng dahil sa pag-labag ng kahit anong alituntunin; at
  • hindi isang bot; at
  • dapat nakagawa ng hindi bababa sa 600 na pag-bago ng artikulo bago nag ika-1 ng Hunyo taong 2009 sa buong Wikimedia wikis (ang mga pag-bago sa ilang wikis ay maaring pag-samahim kung ang iyong account ay unified into a global account); at
  • dapat nakagawa ng hindi bababa sa 50 pag-bago sa pagitan ng ika-1 ng Enero at ika-1 ng Hulyo taong 2009.

natatanging di-saklaw: Ang mga sumusunod ay maaring bumoto kahit anuman ang naka-saad na alituntunin sa taas:

  • Wikimedia server administrators na may shell access;
  • Mga bayad na tauhan ng Wikimedia Foundation na napabilang bago ang ika-1 ng Marso taong 2009;
  • Mga kasalukuyan at nakaraang bahagi ng Lupon ng mga pinagkatiwalaan.

Paano Bumoto

[edit]

Kung ikaw ay maaaring bumoto:

  1. Basahin ang candidate presentations at isipin kung sino ang iyong mga susuportahan.
  2. Pumunta sa wiki page "Special:Securepoll" sa isang wiki na maaari kang bumoto. Halimbawa, kung ikaw ay aktibo sa wiki meta.wikimedia.org/, pumunta sa meta.wikimedia.org/wiki/Special:Securepoll.
  3. Sundan ang mga panuntunan sa pahina.

Kaalaman para sa mga kandidato

[edit]

Isang detalyadong pagkakalarawan sa mga tungkulin bilang isang bahagi ng lupon ay maaaring makita sa Board Manual.

Mga Pananagutan bilang bahagi ng lupon

[edit]

Ang pagiging bahagi ng isang maliit na lupon tulad ng Wikimedia Foundation ay may kaharap na malaking pagsubok, maaaring umubos ng oras. Ang tungkulin ay kusang-loob at hindi bayad. Ang mga bahagi sa lupon ay hindi inaasahang gumamit ng sariling pera para sa organisation, sila ay bukas para tumulong sa pag-ipon ng pondo.

Ang mga miyembro ng lupon ay inaasahang dumalo sa hindi bababa sa 3-4 na pagpupulong na personal, pagdalo sa Wikimania (ang ating taunang pagtitipon), at dumalo sa ating iba pang nakatakdang pagpupulong at pagboto. Ang lupon ay lalong nakikipag ugnayan gamit ang e-mail, wiki, at IRC. Ang bawat pinagkatiwalaan ay minsan sumasali sa pagtitipon kasama ang iba pang samahan at kumpanya, at nagbibigay kinahinatanan at kaalaman sa lupon at mga tauhan.

Ang bawat pinagkatiwalaan ay inaasahang makialam sa mga gawain (tulad ng pag-ipon ng pondo, Wikimania, o pagkwenta) at tumulong sa pag-gawa o pagbalangkas ng mga alituntunin at mga regulasyon sa mga napag-uusapan.

Dahil ang mga bahagi ng lupon ay nailuklok sa pamamagitan ng sinumpaang tungkulin, ang mga kandidato na kasalukuyang bayad na tauhan ng Wikimedia Foundation ay dapat lamang na magbitiw bago sila maipabilang sa lupon ng pinagkakatiwalaan. Ito ay para maiwasan ang maaring conflicts of interests o pagka-salungat ng nais.

Mga kinakailangan bago maging kandidato

[edit]

Para maging kandidato, dapat ikaw ay:

  • nakagawa ng di-bababa sa 600 na pagbago bago ang ika-1 ng Marso taong 2009 sa alin mang nakalistang account ((ang mga pag-bago sa ilang wikis ay maaring pag-samahim kung ang iyong account ay unified into a global account); at
  • hnakagawa ng di-bababa sa 50 na pagbago sa pagitan ng ika-1 ng Enero at ika-1 ng Hulyo taong 2009; at
  • Nagpa-alam ng totoong pangalan sa publiko sa iyong candidate presentation (Dahil ang pagkakakilanlan sa mga bahagi ng lupon ay dapat nasa kaalaman ng publiko, hindi maaaring maging bahagi ng lupon na hindi nalalaman ang pagkakakilanlan o nasa ilalim ng palayaw); at
  • hindi bababa sa 18-taong gulang at nasa edad na ayon sa batas ng iyong iyong bansa.
Natatanging di-saklaw: ang mga kasalukuyang miyembro ng lupon ng pinagkatiwalaan ay maaring maging kandidato kahit hindi na saklaw ng mga alituntunin sa itaas.

Paano mag sumite ng iyong kandidatura

[edit]

kung ikaw ay maaring kumandidato, maari kang magsumite ng iyong kandidatura sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. Sumulat ng tungkol sa mga plano mong gawin kung ikaw ay mapili na mapabilang sa lupon ng di sosobra ng 1200 na letra, ang iyong naaayong opinyon at mga karanasan, at kahit ano sa tingin mo ay naayon na isulat mo. Hindi mo itong maaaring gamitin upang mag-sama ng mga bagay na nag-eendorso o mga pahinang nag hahayag ng plataporma, at hindi maaaring tumakbo sa slate sa iba pang mga kandidato.
  2. Submit your summary sa pagitan ng ika- 00:00, ng ika-6 ng Hulyo taong 2009 (UTC) at ika- 23:59, ng ika-27 ng Hulyo taong 2009 (UTC). Pagkatapos ng ika-27 ng Hulyo, hindi na ito mababago maliban sa mga maliliit na pagtutuwid o mga pagsalin. Kahit anu mang pag-dagdag pagkatapos ng taning ay mamarkahan ng oras ng gawa at i-hihiwalay sa tunay na buod, at maaari lamang ipakita sa mga botante kung sila ay naisalin sa wika ng naunang buod.
  3. Magsumite ng patunay ng pagkakakilanlan kay Cary Bass (Volunteer Coordinator) bago mag ika-27 ng Hulyo taong 2009. Isang bahagi ng lupon ng halalan ay makikipag ugnayan ng pribado sa iyo tungkol sa iba pang mga kailangan mo upang maisakatuparan ang mga ito bilang kandidato.

Ang mga kandidatong hindi makasusunod sa mga kailiangan at taning na panahon ay diskwalipikado o hindi na maaaring maging kandidato.

Pagkaka-sunodsunod

[edit]

Ayos ng panahon

[edit]
  • ika-1 hanggang ika-30 ng Hunyo taong 2009: ang unang bahagi ng pagsalin; ang ikalawang lupon ay mageendorso ng pagsalin sa iba't ibag wika.
  • ika-6 hanggang ika–27 ng Hulyo taong 2009: Pagsusumite ng mga kandidato.
  • ika-27 ng Hulyo taong 2009: Panahong taning upang makapag-sumite ng patunay ng pakakakilanlan (ang pagka-huli o walang naisumite ay pagka-diskwalipikado).
  • ika-28 ng Hulyo hanggang ika–10 ng Agosto taong 2009: Halalan.
  • ika-10 hanggang ika–12 ng Agosto taong 2009: Pag-tingin sa mga boto.
  • ika-12 ng Agosto taong 2009: Pagsasapubliko ng buod ng mga boto.